MANILA, Philippines - Idineklara ng Commission on Elections (Comelec) ang dalawa pang lalawigan na kaÂbilang sa ‘high risk proÂvinces ‘ kaugnay ng gaganaping midterm elections sa darating na Mayo sa bansa.
Tinukoy ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na dumalo sa comÂmand conference sa Camp Crame ang dalawa pang nadagdag sa talaan na kinabibilaÂngan ng Misamis Oriental at Sulu.
Ang Misamis OrienÂtal ay napabilang sa ‘high risk provinces’ bunga ng naganap na pananambang ng New People’s Army (NPA) rebels noong Abril 20 ng gabi kay Gingoog City Mayor Ruthie Guingona na ikinasawi ng driver nito at bodyguard habang suÂgatan naman ang opisyal at isa sa anim nitong police security escort.
Si Guingona ay misis ni dating Vice President Teofisto Guingona Sr. at ina ni Senador Teofisto “TG†Guingona Jr.
Dahilan sa banta ng mga rebeldeng NPA na aktibo sa pangingikil ng permit to campaign (PTC) fees sa mga kandidato ay ibinilang ang Misamis Oriental sa high risk provinces kaya’t isang batalyon rin o kabuuang 500 sundalo ng Philippine Marines ang idineploy sa lugar.
Ang Sulu naman ay napabilang sa high risk provinces dahilan sa mainit na labanan sa paÂgitan ng kandidatong gobernador na kalaban naman ng anak ni Sulu Gov. Abdusakur Tan na nagkakagirian na sa lugar at humantong pa sa demandahan.
Nauna ng idineklarang high risk areas sa halalan ang 15 lalawigan na kinabibilangan ng Abra, Pangasinan, Ilocos Sur, La Union, Cagayan, Pampanga, Nueva Ecija, Batangas, Cavite, Masbate, Samar, Misamis Occidental, MaguindaÂnao, Lanao del Sur at BaÂsilan.