^

Police Metro

Mag-asawa pinaslang ng tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa hindi na umabot ng buhay sa Zamboanga City Medical Center ang isang mag-asawang negosyante nang sila ay pag­babarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa sa Brgy. Talon-Talon, Zam­boanga City.

Ang mag-asawa ay ki­nilalang sina Francisco Natividad, 58 anyos at  Myrna Natividad, 50-an­yos. Nagtamo ang mga ito ng tama ng bala ng cal. 45 pistol at cal 9 MM sa iba’t ibang bahagi ng ka­tawan.

Sa ulat ni Chief Inspector Ariel Huesca, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-3:10 ng hapon ay ka­salukuyang nasa bisi­nidad ng main road ng Marquez Drive, Logoy Grande, Brgy. Talon-Talon ang mag-asawa nang sumulpot ang mga suspek na sakay ng motorsiklo na  umano’y ilang-araw ng tumutugaygay sa kanila.

Pagtapat sa mag-asawa ay agad itong pinagbabaril na kung saan ay duguang bumulagta ang mga una habang mabilis namang nagsitakas ang mga suspek.

vuukle comment

BRGY

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

FRANCISCO NATIVIDAD

LOGOY GRANDE

MYRNA NATIVIDAD

POLICE REGIONAL OFFICE

SHY

TALON-TALON

ZAMBOANGA CITY MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with