^

Police Metro

Koko, No.2 sa mock polls ni Monsod

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nakuha ni reelectionist senator Aquilino “Koko” Pimentel III ang number 2 sa mock polls para sa mga senador na isinagawa ng Movement for Good Governance (MGG) sa pamumuno ng tanyag na mamamahayag na si Winnie Monsod na ginanap sa Ateneo Professional Schools sa Rockwell, Makati City kamakailan.

Nanguna sa mock polls si dating senador Ramon Magsaysay, Jr., pumangalawa si Pimentel at pangatlo si Riza Hontiveros na pawang kasapi sa Team P-Noy.

Ang mga katangian at kapintasan ng mga kandidatong senador ay binusising mabuti ng panel of experts batay sa scoreboard na inihanda ng MGG.

Ang mga kandidato ay binigyan ng grado kung sila ay pumasa o bumagsak batay sa sumusunod na criteria - competence, track record effectiveness, integrity, stewardship at reform.

Sa ibang de kalidad na pagsusuri sa katangian ng mga kandidatong senador, isa sa mga nangunguna si Pimentel.

ATENEO PROFESSIONAL SCHOOLS

GOOD GOVERNANCE

MAKATI CITY

NAKUHA

NANGUNA

RAMON MAGSAYSAY

RIZA HONTIVEROS

TEAM P-NOY

WINNIE MONSOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with