Pekeng denr official gumagala

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng babala sa publiko si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Ramon Paje laban sa mga  impostor o mga nagkukunwaring opisyal ng ahensiya upang makapanghingi ng salapi.

Inatasan ni Sec. Paje si DENR Undersecretary for Field Operations Demetrio Ignacio Jr. at lahat ng  regional executive directors, bureau directors at pinuno ng mga  attached agencies ng ahensiya na bigyang babala ang kanilang mga tauhan hinggil sa mga im­postor ng DENR na nang­hihingi lagay sa mga negosyante.

Ayon kay Sec. Paje, walang sinumang tauhan ng DENR ang pinahihintulutan na mag solicit ng pondo sa publiko.

Ang babala ay ginawa nang makarating sa ahensiya ang reklamo ng isang negosyante na sinasabing binigyan ng 10 tickets  para sa isang benefit din­ner na may halagang P10,000 kada isa.

 

 

Show comments