MANILA, Philippines - Isang babae na nag-post nang mapanirang komento laban sa isang negosyanteng karibal sa nobyo ang ipinagharap ng kasong libelo sa Manila ProseÂcutors Office.
Sa salaysay ng biktima na si Laarni Gonzales, 36, may-ari ng Global Power Inc. at residente ng no.11-A Sta. Ana St., Maynila na noong Abril 8, 2013 nang mabasa niya at mga kaanak, maging ang mga kakilala at investor sa negosyo ang mapanirang post sa kanyang Facebook ng suspek na si Marilyn dela Roma, na may mga alyas “Lovely dela Roma†at “Yana dela Romaâ€, ng Blk. I-A-9, Lot 9, Brgy. Sta. Cristina II, Area C, Dasmariñas, Cavite, na di umano’y live-in partner ng kaniyang dating nobyo na si Jeffrey Ramirez Hernandez.
Ang nakakasirang post ay nagsasabi sa biktima na malaki umano ang ari nito, international call girl, manloloko, pabayang ina, lalakero at marami pang mga nakakapanirang puri na post ng suspek.
Nabasa din umano ng mga tauhan sa kaniyang kumpanya, brokers at maging teachers ng kaniyang mga anak sa Montessori school ang nasabing post message.
Agad namang inaÂmin ng suspek ang ginawang paninira at tinawagan ang biktima upang humingi ng paumanhin at nakiusap na huwag na siyang sampahan ng kaso.
Selos umano ang dahilan ng paninira dahil kahit hiwalay na siya sa dating nobyo at karelasÂyon naman ang suspek ay nagseselos pa rin umano ito.