^

Police Metro

Gumamit ng brass knuckle… HS student utas sa sapak ng kaklase

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 14-anyos na high school student matapos ang dalawang araw na pamamalagi sa ospital matapos sapakin ng ka­klase na gumamit ng brass knuckle sa kamao sa labas ng kanilang paaralan kamakailan sa Taguig City.

Sa pahayag ng ina ng biktima na si Nelia Habon, nag-enroll lamang umano sa Diosdado Macapagal High School noong naka­raang linggo ang kanyang anak na itinago sa panga­lang Juny Jabon, nang masagi ang suspek na isa ring me­nor-de-edad.

Dito umano pinagtulu­ngan ng dalawang binatilyo ang biktima hanggang sa sapakin ito ng isa sa mga suspek na armado ang kamao ng brass knuckle.  

Sa lakas ng pagkakasapak ay nawalan ng malay ang biktima hanggang sa isugod sa Taguig-Pateros Hospital.

Tumagal nang dalawang araw sa pagamutan ang biktima hanggang sa tuluyang malagutan ng hi­ninga dahil sa pamamaga ng utak.

Sumuko naman sa mga otoridad ang isa sa mga binatilyong suspek na itinago ang pangalan at hawak na ngayon ng Department of Social Wel­fare and Development (DSWD). Hindi naman matiyak kung ito ang sumapak sa biktima.

Wala namang maibigay na police report si Ta­guig Police Chief,  Sr. Supt. Arthur Felix Asis, gayung ilang araw nang naganap ang pangyayari sa kanyang nasasakupan at itinuturo na lamang ang DSWD para kumuha ng detalye.

Nanawagan naman kay Asis ng hustisya ang ina ng biktima lalo na’t nakalalaya pa ang isa pang sinasabing suspek.  Matagal na umanong paulit-ulit na nagaganap na panu­nuntok ng mga “bully” sa labas ng paaralan na hindi masolusyunan ng pulisya.

vuukle comment

ARTHUR FELIX ASIS

DEPARTMENT OF SOCIAL WEL

DIOSDADO MACAPAGAL HIGH SCHOOL

JUNY JABON

NELIA HABON

POLICE CHIEF

SHY

SR. SUPT

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with