Shabu dealer hindi nagpahuli nang buhay
MANILA, Philippines - Isang lalaki na piÂnaghihinalaang big time shabu dealer ang nasawi matapos manlaban sa arresting team ng pulisya nang salakayin ang bahay nito sa Mango Avenue Dalliao, Toril District, Davao City kamakalawa.
Ang napatay na susÂpek ay kinilalang si Augustus Caesar Borja, 50-anyos, wanted sa kasong drug pushing.
Batay sa ulat, bandang alas-3:50 ng hapon ay bitbit ng mga otoridad ang search warrant na inisyu ni Regional Trial Court (RTC) 11 Executive Judge Pelagio Paguican para sa gagawing pagsalakay sa bahay ng suspek.
Gayunman sa halip na sumuko ay bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang arresting team na nauwi sa ilang minutong palitan ng putok na siya nitong ikinamatay.
Nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang isang granada, isang cal. 45 pistol at iba’t ibang uri ng pampasabog.
Nakuha rin mula rito ang 10 plastic sachet ng shabu, isang improvised tooter P4,000 cash, 9 na pirasong US 1 dollar bills at 2 cellphone.
Nadakip rin ng mga otoridad ang kapatid ng nasawing suspek na si Dioscoro Borja, 44, na nasamsaman naman ng isang cal. 45 pistol na walang lisensya, ibat ibang klase ng bala, 3 plastic sachet ng shabu at ibat iba pang uri ng mga baril.
- Latest