MANILA, Philippines - Isang empleyado ng money remittance ang pinagbabaril ng dalawang lalaking holdaper na sakay ng isang motorsiklo matapos ayaw nitong ibigay ang winidraw sa bangko na P500,000.00 naganap kahapon ng umaga sa panulukan ng Don Placido Campos Avenue, Brgy. Zone 3, Dasmariñas City, Cavite.
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay nakilalang si Alexander Calo, 36-anÂyos, binata, empleyado ng MLhuillier pawnshop and money remittance at residente ng Blk. 37, Lot. 27, Mabuhay Homes 2000, Brgy. Salawag ng nasabing lungsod.
Walang pang pagkakakilanlan sa dalawang suspek na sakay ng motorsiklo na mabilis tumakas tangay ang pera na winidraw ng bikÂtima.
Batay sa ulat, bago naganap ang panghoholdap dakong alas-10:55 ng umaga ay nagtungo ang biktima kasama ang teller ng MLhuillier na si Bonifacio Loar sa BPI na hindi kalayuan sa kanilang establisiyemento upang mag-withdraw ng P500,000.00 para umano sa transaksyon nila sa araw ng Sabado at Linggo.
Ilang minuto matapos na makapag-withdraw ay lumabas na ang mga ito upang bumalik na sa kanilang establisiyemento na may layo lamang na 50 meters sa nasabing bangko.
Ilang dipa pa lamang ang nilalakad ay dito na sila dinikitan ng motor na sinasakyan ng mga suspek at pilit na kinukuha ang dalang bag ng biktima na kinalalagyan ng pera.
Pero, ayaw bitawan ng biktima ang bag kung kaya’t binaril ito sa balikat at duguan itong buÂmagsak, subalit ayaw pa rin nitong bitawan kaya’t muÂling pinutukan ng suspek hanggang tuluyang matangay ang nasabing bag.
Wala namang nagawa ang kasama ng biktima dahil sa takot.
Pinag-aaralan ng pulisya kung may naganap na inside job sa naganap na holdapan.