7 batas ni Koko, ok kay P-Noy
MANILA, Philippines -Sa 26 pambansang batas na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III, bahagi si Senador Aquilino “Koko†Pimentel sa pitong batas o halos 25 porsiyento sa isang taon at anim na buwang panunungkulan bilang senador sa ika-15 Kongreso.
Kung tutuusin limang buwan ang ginugol ng SenaÂdo sa impeachment proceeding laban kay dating Supreme Court chief justice Renato Corona ay mas maganda ang performance si Pimentel kaysa ibang senador na nanungkulan ng anim na taon.
Sa rekord ng Senado, may kabuuang 3,403 panukalang batas ang naisampa na 529 ang nakapasa mula Hulyo 23, 2012 hanggang Pebrero 6, 2013. Mula sa 529 batas, 26 ang naging ganap na batas, samantalang 92 bills ang naghihintay na lagdaan ng Pangulo at walo pa ang nabimbin sa bicameÂral conference committee.
“Naupo lamang ako sa Senado sa loob ng isang taon at anim na buwan na limang buwan pa ang ginugol sa impeachment hearings,†paliwanag ni Pimentel. “Pero ako ang author o co-author sa 5 pambansang batas na 2 pa ang naghihintay na lamang ng lagda ng Pangulo.
Kung tutuusin, pitong batas iyon sa mahigit isang taon kong panunungkulan.â€
Naupo lamang si Pimentel noong Agosto 8, 2011 matapos ideklara ng Senate Electoral Tribunal na siya ang tunay na nanalo sa halalan sa Senado noong 2007.
Idinagdag ni Pimentel na ipinagmamalaki niya na katuwang umakda sa batas na naglilinis sa listahan ng mga botante sa Muslim Mindanao sa pagbalewala sa Books of Voters sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Bunga nito, nagsagawa ang Comelec ng bagong general registration ng mga botante sa buong rehiyon.
“Bahagi ito ng aking kruÂsada laban sa pandaraya sa halalan at sa lahat ng uri ng pandaraya,†ani Pimentel na awtor din ng RA 10366 o Electoral Processes Accessibility Act.
- Latest