MANILA, Philippines - Upang makaiwas sa “heat stroke†ngayong paÂnahon ng tag-init ay inumÂpisahan ngayong ipaÂtupad ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang oras na break para sa kanilang mga tauhan na nasa kalsaÂda.
Itinakda mula ala-1:30-2:00 ng hapon at alas- 2:30-hanggang alas-3:00 ng hapon na itinuturing na pinakamainit na bahagi ng isang araw.
Mapapakinabangan ito ng mga traffic consÂtables at street sweepers ng ahensya
Ang “heat stroke break†ay epektibo hanggang Mayo 31 kung kailan inaÂasahan na papasok na ang panahon ng tag-ulan.
Ipatutupad ito sa paÂmaÂmagitan ng “rotation basis†upang may matitira pa ring tauhan sa kalsada at sa kanilang mga puwesÂto. Bibigyan rin ang mga ito ng espesyal na alloÂwance at bottled water panlaban sa init.
I nilipat rin sa “night shift duty†ang mga tauhan na wala sa kundisyon ang kalusugan at may rekord ng dating pagkakasakit.
Magugunita na noong nakaraang taon, isang traffic enforcer ang nasawi habang naka-duty dahil sa heat stroke.