MANILA, Philippines - Tigilan na ang pagkanÂlong sa mga sundalo na sangkot sa pagdukot sa aktibistang si Jonas Burgos.
Ito ang panawagan ni Bangon Pilipinas Senatorial candidate Eddie VilÂlanueva sa liderato ng militar matapos napatunayan ng Court of Appeals (CA) ang pagdukot kay Burgos sa isang mall sa Quezon City noong April 28, 2007.
Bilang isang dating aktibista noong panahon ng martial law ay naranasan na rin umano ni Villanueva ang hirap at hindi magandang trato ng militar laban sa mga militante.
Hinikayat din ni VillanueÂva ang kasalukuyang liderato ng Armed Foces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na makipagtuluÂngan upang masiguro na mapaparusahan ang mga sangkot sa nasabing krimen na tinukoy ni Editha Burgos, nanay ni Jonas na mula sa Intelligence unit ng Army sa Central Luzon.
Paliwanag pa nito, na ang kautusan ng CA sa kaso ni Burgos ay patunay lamang umano na patuloy pa rin ginagawa ng militar ang enforced disappearances laban sa mga lehitimong aktibista hanggang sa panahon na ito kahit na nanumbalik ang demokrasya sa bansa.
Hinamon din ni VillaÂnueva ang AFP na patunayan ang pahayag nito na kinokondena nila ang karahasan sa indibidwal sa pamamagitan ng pagpayag nito na sumailalim ang kanilang tauhan sa imbestigasyon ng pulisya at humarap sa korte at haÂyaan ito na ang humatol sa kanila.
Inatasan din ng CA ang PNP na magsagawa ng malalim na imbestigasyon tungkol dito.