^

Police Metro

Evacuees mula Sabah umabot na sa 5,692

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umabot na sa 5,692 Pinoy evacuees mula sa Sabah ang nagsiuwi dahil sa apektado ng krisis doon.

Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at sa nasabing bilang ay nasa 2,951 ang mga matatanda at 2,107 naman ang mga bata habang 634 pa ang isinasailalim pa sa prose­so ng beripikasyon sa edad ng mga ito.

Ang mga evacuees ay dinala sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi na pawang mga residente sa lugar.

Magugunita na su­miklab ang krisis sa Sabah noong Pebrero 12 ng taong ito matapos na sakupin ng 200 armadong Sulu Royal Army sa pamumuno ng crowned prince na si Raj Muda Agbimuddin Kiram ang Lahad Datu, Sabah sa misyong bawiin na ang lupain na pag-aari umano ng kanilang mga ninuno.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang all out assault operations ng Malaysian security forces laban sa grupo ni Kiram kung saan daang katao na ang nasawi.

BASILAN

KIRAM

LAHAD DATU

MAGUGUNITA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

RAJ MUDA AGBIMUDDIN KIRAM

SABAH

SULU ROYAL ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with