MANILA, Philippines - Kinuwestiyon kahaÂpon ni Bangon Pilipinas lone senatorial candidate Bro. Eddie Villanueva ang senseridad ng gobyerno na bayaran ang mga biktima ng human rights noong panahon ng Martial Law dahil hindi pa rin nabubuo ang Human Rights Victims Claims Board.
Ayon kay Bro. Eddie hindi na dapat pang pataÂgalin ang pagpapatupad ng maituturing na ‘landmark’ na Human Rights Reparation and Recognition Act.
Sinabi pa ni Bro. Eddie na nadidismaya na rin ang mga Martial Law human rights victims at paÂmilya ng mga ito dahil hindi pa nasisimulan ang pagpapatupad ng Human Rights Victims Reparation and Recognition Act.
Ipinaalala pa ni Bro. EdÂdie na ang unang hakbang para sa pagpapatuÂpad ng nasabing batas ay ang pagbuo ng Human Rights Victims’ Claims Board na magiging resÂÂponÂsable sa pagda-draft ng implemenÂting rules and regulations (IRR).
Ang nasabi ring board ang mag-e-evaluate at magpo-proseso ng mga aplikasyon para sa pagbabayad sa mga biktima.
Umaasa umano si Bro.Eddie na hindi magiging ningas cogon ang pagpupursige ng gobyerno na maÂbayaran ang mga human rights victims noong panahon ng Martial Law lalo’t napakahabang proÂseso ang pinagdadaanan ng
panukala bago naging gaÂnap na batas.