^

Police Metro

Tsinoy na nakapatay sa pulis tumakas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 50-anyos na ne­gosyanteng Tsi­noy na nakapatay sa isang opisyal ng pulis at pagkasugat ng tatlong iba pa sa isang road accident sa Skyway sa Parañaque City noong Sabado ang nakatakas sa kuwarto nito sa Asian Hospital kaha­pon.

Ang suspek ay kinila­lang si Aldwin Co na isi­nugod sa nasabing ospital kasama ang kasambahay nitong si Grace Animay matapos na salpukin ng kanyang sasakyan ang SUV ng nasawing si P/Chie Insp. Ferdinand Ro­sario na nakatalaga sa Re­gional Public Safety Battalion.

Habang sugatan ang mga kasamahang pulis na sina PO1s June Ray Ybañez; Merlito Paliwa at Andrew Lamayo.

Pinaiimbestigahan na ni National Capital Regio­nal Police Office (NCRPO) Director Leonardo Espina kung paano nagawang makatakas ng suspek ga­yung bantay-sarado ng mga pulis habang naka­ratay sa nasabing ospital.

Magugunita na noong Sabado sa southbound lane ng Skyway ay sakay ang mga biktima ng Mit­subishi Adventure na minamaneho ng nasawing pulis nang ito ay masalpok ng Ford Mustang GT sports­car ng suspek.

Sa lakas nang pagka­ka­salpok ay tumilapon palabas ng sasakyan ang nasawi habang nasugatan ang tatlo na kasamahang pulis.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang ka­patid ng nasawi na si Atty. Conrad Rosario sa mga pulis na nagbabantay sa suspek at sa bagal umano ng isinagawang imbestigasyon ng High­way Patrol Group (HPG). 

Nanawagan ito kay Co na sumuko at panagutan ang kanyang krimen.

Nagtungo na rin sa kanyang bahay sa Ayala-Alabang at sa bahay ng ina nito sa Maynila ang mga pulis ngunit hindi nasumpungan ang suspek.

 

vuukle comment

ALDWIN CO

ANDREW LAMAYO

ASIAN HOSPITAL

CHIE INSP

CONRAD ROSARIO

DIRECTOR LEONARDO ESPINA

FERDINAND RO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with