Magpinsan pinatay isinilid sa sako

MANILA, Philippines -Isang magpinsan ang pinatay at pagkatapos ay isinilid sa sako  ang natagpuan kahapon ng umaga sa isang creek sa Malabon City.

Ang magpinsan na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang sina Arnel Castro, 19 at Reynaldo Castro, 21,  kapwa ng Road 10, North Bay Boulevard North, Navotas City.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga nang makita ng ilang batang kalye ang dalawang sako sa creek sa Sansiangco St., Barangay Tonsuya ng naturang  lungsod.

Ayon sa kaanak ng magpinsan na huli nilang nakitang buhay ang mga biktima dakong alas-3:00 ng hapon noong Marso 24, 2013 na papunta sa Area 1, Navotas City.

Show comments