Penson sa Comelec: Anti-dynasty isyu desisyunan agad
MANILA, Philippines -Agarang desisyunan ang petisyon sa pag-disqualify sa kandidatura ng “clear and obvious cases of political dynasty†gaya ng pamilÂya Villafuerte sa Bicol, Duterte sa Davao, Pineda sa Pampanga, Gatchalian sa Valenzuela at iba pa.
Ito ang naging panawagan ni senatorial candidate Ric Penson sa Comelec batay sa petisyong isinampa ng coalition ng mga grupo kontra dynasty, ang kaso laban sa iilang pamilyang humahawak sa Kongreso, Senado at LGUs na mahigÂpit na ipinagbabawal sa Section 26, Article II ng 1987 Constitution na naglalaÂyong mabigyan ng patas ng karapatan sa public service lahat ng kwalipikadong mamamayan.
Ayon sa Sec. 26: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.â€
Kapag binasa ang probisyon ng 1987 Constitution alinsunod sa “3-term limit rule†sa mga governors, mayors, at councilors, malinaw na ‘di na kailaÂngan pa ng isang batas na magpapatupad sa nasabing pagbawal sa mga political dynasty gaya ng paglipat ng puwesto sa isang anak, asawa, magulang o kapatid.
Ayon kay Penson, malinaw na sinasamantala ng mga naka-puwestong poÂwerful political clans na iupo sa gobyerno ang kanilang 1st-degree relatives (asawa, kapatid o magulang at anak) upang magkaroon ng patuloy na kontrol sa pamamahala sa gobyerno bagaman mahigpit itong ipinagbabawal sa Constitution.
Nanawagan si Penson na wakasan na sa daraÂting na May 13 elections ang garapal at patuloy na panloloko ng mga political dynasty na ginagawang pampamilÂyang bigasan ang Senado, Kongreso maging ang lahat ng puwesto sa local na pamahalaan.
Sinusulong din ni actor Robin Padilla ang kandidatura ni Penson na nagpalabas na rin ng mga posters at Facebook campaign laban sa political dynasty.
- Latest