3 uri ng anti-cancer organic health products pinakukumpiska NG FDA
MANILA, Philippines - Nakatakdang kumpisÂkahin sa merkado ng Foods and Drugs AdmiÂnistration (FDA) ang tatlong hindi rehistradong orgaÂnic health products, food supplements at herbal products, na umano ay nakakagaling ng sakit na cancer.
Sa advisory 2013-004, ng FDA na nakatanggap ng ulat na ang food supplement products na Aro Baro Churo Organic Tea, Aro Guyabano Tea at Aro Baro Churo GuyaÂbano Capsules ay ipinagbibili sa buong bansa.
Nakasaad sa label ng mga naturang produkto na ang mga ito ay 10,000 ulit na mas malakas at mas mabisang panlaban sa sakit na kanser kumpara sa chemotherapy na nagtataglay ng Adriamycin na nakamamatay ng cancer cells.
Nang beripikahin ng FDA ay lumitaw sa record na ang mga naturang produkto ay hindi rehistrado bilang herbal drugs o kahit food supplements kaya ipinakukumpiska.
Binalaan din ng FDA ang publiko na huwag tangkilikin ang mga produktong hindi aprubado at rehistrado sa ahensiya dahil sa peligro sa kalusugan at may kamahalan ang presyo.
Hindi pa umano maÂbisa sa nasabing sakit na may panganib din na magdulot ng hindi maÂganÂda sa kalusugan o maÂaring makamatay.
- Latest