MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng pulisya na buhay pa ang bagong silang na sanggol na lalaki nang ito ay iliÂbing ng kanyang ama na takot sa responsibilidad matapos na mabuntis ang nobya nito na naganap sa Brgy. Manicahan, Zamboanga City.
Ang suspek na dinakip ng pulisya ay kinilalang si Justin Jake Tugunon, nobyo ng ina ng sanggol na si Ronalyn Bernardo.
Sa ulat, ipinanganak ni Bernardo ang kanyang sanggol sa pagitan ng alas-4:00 at alas-5:00 ng hapon noong Sabado at tanging si Tugunon lamang ang kasama nito.
Nang magresponde ang mga operatiba ng pulisÂya, bandang alas-8:50 ng umaga kinabukasan ay nahukay at nalinisan na ng mga opisyal ng baÂrangay sa pangunguna ni Brgy. Chairman Errolyn Natividad at kapitbahay ni Bernardo ang sanggol na ipinanganak nito.
Ang sanggol ay ibinaÂlot pa sa kulay itim na sako at inilibing sa likuran ng tahaÂnan ng pamilya Bernardo.
Nagdududa ang ina at pamilya ng sanggol na patay na ito nang lumabas sa kayang sinapupunan dahil sa narinig pa umano ng ina ang iyak ng kaniyang anak bago ito iniliÂbing ng nobyo na sinasabing takot sa responsibilidad.
Sa pahayag naman ng suspek sa himpilan ng puÂlisya, sinabi nito na patay na umano ang sanggol kaya’t kanyang inilibing.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa kaso at isasailalim sa otopsiya ang bangkay ng sanggol para madetermina kung buhay pa ito o patay na ng ilibing ng kaniyang ama.