^

Police Metro

Ex-reporter ng bombo, pinatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang dating reporter ng Bombo Radyo ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa na­kikilalang suspek sa Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng Pangasinan Police ang biktima na si Melanio Balolong, 62, na nagtamo ng pitong tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ang bangkay ng biktima ay narekober sa pag-aari nitong palaisdaan matapos mahulog sa tubig nang siya ay pagbabarilin.

Ayon sa report, ang in­sidente ay naganap dakong alas-9:00 ng umaga habang abala ang biktima sa kanyang fish pens nang biglang sumulpot ang sa­larin at puntiryahin ito ng sunud-sunod na pagpapaputok ng baril sa Sitio Calamiong, Brgy. Bonuan Gueset sa lungsod.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang suspek lulan ng motorsiklo na tinakpan ng cardboard ang plaka.

Bago ang insidente ay nagtanong pa umano ang salarin sa mga residente sa lugar kung saan matatagpuan si Balolong at nang ituro ito ay agad nitong pinuntahan at doon isinagawa ang pagpatay.

Hindi pa batid ng pulis­ya ang motibo ng krimen na posible umanong professional hired killer ang salarin.

vuukle comment

AYON

BALOLONG

BARANGAY BONUAN GUESET

BOMBO RADYO

BONUAN GUESET

DAGUPAN CITY

MELANIO BALOLONG

PANGASINAN POLICE

SITIO CALAMIONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with