^

Police Metro

JI at Abu nagre-recruit sa internet

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naalarma ang Estados Unidos sa umano’y laganap na pagre-recruit ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist at ng mga kaalyado ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa rehiyon ng Mindanao sa pamamagitan ng social networking site tulad ng facebook at iba pa.

Ayon kay US Ambassador Harry Thomas Jr. sa ginanap na Security and Defense Kapihan sa Embahada sa Defense Press Corps na ang JI at ASG ay ginagamit ang internet sa pamamagitan ng social media upang makapag-recruit at maghatid ng kasinungalingan sa kanilang ipinaglalaban.

Ang JI terrorist ay ang Southeast Asian terror network na naitatag ni Osama bin Laden, ang lider ng Al Qaeda na napatay ng US commandos sa Afghanis­tan may ilang taon na ang nakalilipas.

Sinabi ni Thomas na nakababahala ang nasabing recruitment ng magkaalya­dong teroristang grupo dahilan maraming mga inosente na hindi naman ipinanganak na mga tero­rista ang nalilinlang ng mga ito para sumapi sa kanilang grupo.

Alinsunod sa malawakang kampanya para masugpo ang pandaigdigang banta ng terorismo, sinabi ni Thomas na kaalyado ng kanilang gobyerno at puwersa ang PNP at AFP sa paglaban kontra terorismo.

Sa panig naman ni US Navy Captain David Cole, Deputy Commander ng JSOTF Philippines , sinabi nito na nasa paligid-ligid lamang ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Mindanao at nanatili ang mga itong banta sa seguridad hangga’t hindi nalilipol ang puwersa.

 

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

AL QAEDA

AMBASSADOR HARRY THOMAS JR.

DEFENSE PRESS CORPS

DEPUTY COMMANDER

ESTADOS UNIDOS

JEMAAH ISLAMIYAH

MINDANAO

NAVY CAPTAIN DAVID COLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with