MANILA, Philippines -Lumabag umano sa local zoning code ang ipinatatayong mall sa harap ng Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo City na nakakaperwisyo sa mga turista at deboto na balak dumalaw sa kaÂtedral.
Sinisisi ng mga resiÂdente ang pagtayo ng Victory Mall sa harap ng simbahan dahil din sa pagpayag ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Deeta Mahatram, may-ari ng travel agency sa Antipolo, huÂmina ang pagbisita sa kaÂtedral na pangunahing atraksyon ng Antipolo dahil sa traffic.
Labis ding ikinalungkot ng parish priest ng lugar na si Msgr. Rigoberto de Guzman ang pagkonti ng dating ng mga deboto ng Birheng Maria dahil sa tindi ng traffic sa lugar.
Isa si Msgr. De Guzman na kumontra sa pagpayag ni Mayor Nilo Leyble na itayo ang nasabing mall sa harap ng katedral noong 2009 dahil alam ng
pari na magiging sagabal ito sa harap ng simbahan.
Nabatid na multi-level parking ang plano sa lugar na ng yumaong Mayor Victor Sumulong para sa mga deboto, pero binago umano ito ni Leyble ng puÂmanaw na si Mayor SuÂmulong.