MANILA, Philippines - Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mga puslit na motorsiklo at kotse na nagkakahalaga ng tatlong milyong piso sa port ng Davao.
Nabatid na nagsasagawa ng masusing inspection ang mga tauhan ni Comm. Rozzano “Ruffy†Biazon nang matuklasan ng grupo ni Atty. Martiniano Bangcoy, district collector ng Tipasco Davao Port ang mga smuggled na Harley Davidson big bike at Dodge Car Ram 1500.
Ang kontrabando ay nasa loob ng isang forty-footer container van na galing ng Long Beach, California, United State of America na tinangkang ipuslit sa bansa noong Pebrero 21, 2013.
Hindi nakalusot sa mga tauhan ni Biazon ang mga nabanggit na sasakyan at kaagad nilang kinumpiska.
Kamakailan ay nasabat din ng mga tauhan ni Biazon ang tatlong imported na sasakyan na nagkakahalaga naman ng apat na milyong piso na nagmula rin sa USA at mga float glass na nagkakahalaga naman ng P25 million galing ng bansang China.
Sinabi ni Biazon, sasampahan nila ng demanda ang consignee ng naturang mga smuggled na big bike at Dodge Car.