^

Police Metro

Datu Kiram nasa Malaysia pa rin

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Walang katotohanan ang pahayag ng gobyerno ng Malaysia na inabandona na ni Datu Agbimuddin Kiram, ang Sulu Royal Army matapos umano itong tumakas sa ‘all out assault operation’ ng Malaysian security forces sa Lahad Datu, Sabah ng nasabing bansa.

Si Datu Kiram ay kapatid ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III na namuno sa may 200 nilang mga armadong tauhan na okupahin ang Lahad Datu , Sabah kaugnay ng isyu ng pagbawi sa lugar na umano’y lupaing minana pa nila sa kanilang mga ninuno.

Sinabi naman ni Habib Hashim, Chairman ng MN­LF Islamic Council na nakabase sa Mindano, taliwas sa pahayag ni Malaysian Armed Forces Chief Tan Sri Jeneral Zukifeli Mohd Zin nitong Biyernes ng gabi na tinakasan na ni Datu Kiram ang Sulu Royal Army at bumalik na ito sa kaniyang bahay sa Pilipinas ay nanatili pa sa nasabing bansa ang kanilang Datu.

“It’s a do or die , he (Datu Kiram ) will not abandon his men, death is welcome to a mujahidden and it’s already a victory”, ani Hashim na sinabi pang mamatay na lamang na lumalaban si Datu Kiram.

Ayon kay Hashim, wala ring namomonitor ang kanilang mga tauhan sa sinasabing pagdaong ni Datu Kiram sa alinmang lugar sa mga daungan sa Mindanao.

Bukod dito ay kumokontak sa kanila si Datu Kiram na nanindigang hindi siya uuwi hanggang walang malinaw na desisyon sa isyu ng kanilang pagbawi sa Sabah na inaagaw at inaangkin na ng Malaysia.

“Nagtatago lang siya dun, hindi siya makita ng Malaysian security forces, he continues to evade their strike operations”, ayon pa kay Hashim.

DATU

DATU AGBIMUDDIN KIRAM

DATU KIRAM

HABIB HASHIM

HASHIM

ISLAMIC COUNCIL

KIRAM

LAHAD DATU

SABAH

SULU ROYAL ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with