MANILA, Philippines -Kinalampag kahapon ng Malacañang ang pulisÂya na nakatalaga sa University of the Philippines sa Los Baños, Laguna at hiniling na higpitan pa ang police visibility matapos mapaulat ang ginawang pagpatay at panggagahasa sa isang 11-anyos na batang babae sa loob mismo ng campus.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte hihilingin nila sa pulisya sa lugar na taasan ang police visibility bilang pangontra sa krimen.
“We’ll ask the police, the authorities in charge in that particular area to heighten police visibility, lalo ho doon sa area doon sa may UPLB dahil kung tama ‘yung pagkaalala ko diyan ay malawak ho ‘yung kanilang lugar at hindi ho talaga naiilawan ‘yung ibang mga parte doon sa area na ‘yon. We’ll ask the police to heighten visibility in that particular area to help prevent this sort of, ano, ‘yung mga ganitong pangyayari,†pahayag ni Valte.
“Kumbaga nakakaantig ng damdamin…Hindi lang ho nakakaantig ng damdamin, but of course, naiisip po natin kung ano ‘yung nagiging damdamin naman nung magulang at nung mga pamilya,†sabi ni Valte. Kaugnay nito nagpahatid din ng pakikiramay si Valte sa pamilya ng nasabing biktima.