^

Police Metro

UPLB police kinalampag ng Malacañang sa rape/slay

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines -Kinalampag kahapon ng Malacañang ang pulis­ya  na nakatalaga sa University of the Philippines sa Los Baños, Laguna  at hiniling na higpitan pa ang police visibility matapos mapaulat ang ginawang pagpatay at panggagahasa sa isang 11-anyos na batang babae sa loob mismo ng campus.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte hihilingin nila sa pulisya sa lugar na taasan ang police visibility bilang pangontra sa krimen.

“We’ll ask the police, the authorities in charge in that particular area to heighten police visibility, lalo ho doon sa area doon sa may UPLB dahil kung tama ‘yung pagkaalala ko diyan ay malawak ho ‘yung kanilang lugar at hindi ho talaga naiilawan ‘yung ibang mga parte doon sa area na ‘yon. We’ll ask the police to heighten visibility in that particular area to help prevent this sort of, ano, ‘yung mga ganitong pangyayari,” pahayag ni Valte.

“Kumbaga nakakaantig ng damdamin…Hindi lang ho nakakaantig ng damdamin, but of course, naiisip po natin kung ano ‘yung nagiging damdamin naman nung magulang at nung mga pamilya,” sabi ni Valte. Kaugnay nito nagpahatid din ng pakikiramay si Valte sa pamilya ng nasabing biktima.

AYON

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

KAUGNAY

KINALAMPAG

KUMBAGA

LOS BA

MALACA

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with