‘Pacquiao’ inutas ng kabaro

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang palaboy na lalaki na alyas “Pacquiao” ng kapwa nito palaboy kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Tinatawag lamang sa pangalang Pacquiao, ang biktima na natutulog kung saan datnan ng gabi na natagpuang patay dahil sa apat na tama ng saksak sa katawan.

Malaki ang hinala ng pulisya na isa ring kapwa nito palaboy ang suspek na posibleng nakatalo nito dakong alas-11:30 ng gabi sa play ground na Barangay San Nicolas sa lungsod.
Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy at maaresto ang salarin.

 

Show comments