Blaan, may papel sa Tampakan project

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Blaan municipal tribal chieftain sa Tampakan, South Cotabato na si Bae Dalena Samling sa mga kritiko na hindi magmamasid lamang ang komunidad ng mga tribu kundi gaganap ng aktibong papel sa pagdedesisyon sa panukalang Tampakan mine project.

“Hindi kami papayag na balewalain lamang kapag pinal na kaming nakapagdesisyon hinggil sa Tampakan mining project,” sabi ni Dalena na pinuno ng mga katutubong Blaan sa Barangay Danlag na may pangunahing  deposito sa Tampakan copper-gold mining project at pagtatayuan ng open-fit facility kaya may bahagi sa royalty kapag nag-operate ang minahan.

“Masaya kami sa oportunidad na ito, sa investment na ito, pero dapat din naming protektahan ang aming tribal community sa posibleng epekto sa lipunan at kapaligiran,” diin ni Dalena.

“Kinokonsulta kami ng kompanya at tinitiyak sa amin na may papel kami sa pamamahala at pamama­hagi ng anumang benepisyo mula sa proyektong ito.”

Tanging ang environmental code sa South Cotabato ang pinakamala­king hadlang sa Tampakan project, at tiniyak sa kanila na ang open-pit facility ay pangangasiwaan batay sa pandaigdigang istandard.

 

Show comments