^

Police Metro

Factory worker at bisor binoga sa mukha, todas

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Bantayan mo ang asawa mo, baka wala nang malay pag umuwi sa’yo, sakit na lang ang ipapalit ko sa’yo”.

Ito ang natanggap na text messages ng isang misis bago pagbabarilin at mapatay ang kanyang mister kahapon ng umaga sa Malabon City.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa tama ng bala ng kalibre 45 sa mukha at ulo ay nakilalang si Jover Barruga “alyas Lapad”, 35-anyos, may-asawa, residente ng Magsaysay St., Barangay  San Agustin ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga ay sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo sa tapat ng bahay at naghahanda nang pumasok sa trabaho nang bigla na lamang sumulpot ang suspek na nakamotor at pinag­ba­ba­ril ito.

Wala pang pagkakakilanlan ang suspek na mabilis na tumakas at hindi naplakahan ang motorsiklo.

Samantala hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si German Lorica, 46, residente ng Guevarra St., Barangay Maharlika Village, supervisor ng South Luzon Expressway (SLEX) matapos itong barilin nang malapitan sa mukha ng hindi pa kilalang suspek habang naglalakad papasok sa kanyang trabaho kahapon ng alas-5:20 ng umaga sa panulukan ng Barrameda at Madelo Sts., Purok 4, Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

 

vuukle comment

BARANGAY LOWER BICUTAN

BARANGAY MAHARLIKA VILLAGE

GERMAN LORICA

GUEVARRA ST.

JOVER BARRUGA

MADELO STS

MAGSAYSAY ST.

MALABON CITY

SAN AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with