MANILA, Philippines - Dahil sa panahon na nang halalan ay posibleng gagamitin ng mga sindikato ang mga pinakalat nilang pekeng pera sa Metro Manila at karatig lalawigan matapos na maaresto ng pulisya ang pitong miyembro ng “DaÂanghari fake money syndicate†sa isinagawang operasyon ng Pasay City Police.
Ang mga naarestong suspek ay sina Jopee Alvarez, 27; Arne Abordo, 45; Ronalyn Melico, 23; Adrian Sta Romana, 27; Zoraida Briones, 30; Allan Rivera, 25; at Melvin Rambia, 42 pawang mga residente ng Taguig City.
Batay sa ulat may tatÂlong buwan nang minaÂmanmanan ng mga tauhan ni Senior Insp. Cesar Teneros ng Special OpeÂrations Unit (SOU) ang grupo na natukoy na patuloy na nagpapakalat ng pekeng pera sa Ilocos Region, Southern Tagalog at sa National Capital Region (NCR).
Nagsagawa ng opeÂrasÂyon ang mga otoridad dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang magÂpanggap ang isang opeÂratiba na buyer ng peÂkeng pera.
Dito na pinaligiran ng mga pulis ang mga suspek sa kanto ng Taft AveÂnue at Gil Puyat AveÂnue matapos na magkabayaran na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang may 80 piraÂso ng pekeng P1,000 na pinagbibili nila sa halaÂgang P300 bawa’t isa.
Itinuro ng mga suspek ang lider ng kanilang grupo na isang alyas JR at Roy na kapwa residente ng Daang Hari sa Taguig City na umano’y nagsu-supply sa kanila ng pekeng pera na ginagawa umano ng isang Muslim trader sa Maharlika Village.