Bangkay ng bebot sinunog

MANILA, Philippines - Halos hindi na makilala ang bangkay ng isang babae matapos itong sunugin  ng hindi pa nakilalang mga suspek na natagpuan kahapon sa madamong bahagi ng Purok 7, Brgy.Conchu, Trece Martirez City, Cavite.

Sa ulat, ganap na alas-6:45 ng umaga nang matagpuan ang sunog na bangkay ng biktima sa nasabing lugar na hindi rin madetermina ang edad dahil sa grabeng pagkasunog sa buong katawan nito.

Isinailalim na sa otopsiya ang bangkay ng babae na umano ay binuhusan ng gas bago sinilaban.

Show comments