PNP camps babantayan ng sekyu

MANILA, Philippines - Mga security guards ang siyang magbabantay sa mga gate ng mga pangunahing kampo ng Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ito ang binabalak ng liderato ng PNP  kung saan ay nagsagawa na ng tatlong araw na dry run ang PNP- Headquarters and Support Service (PNP-HSS) upang tingnan kung epektibo ang nasabing plano.

Kahapon ay kapansin-pansin na ang mga security guards ang nagbabantay sa Gate 2 ng Santolan sa Camp Crame na naging maganda naman aniya ang inisyal na feedback sa mga sibilyan.

Nabatid na 21 security guards mula sa Utopia Security Agency ang naghalin-hinang magbantay sa Gate 2 ng Camp Crame sa ilalim ng PNP-HSS na pinamumunuan ni Sr.Supt Ramon Apolinario, pero nasa ilalim pa rin ito ng superbisyon ng PNP.

Naglalayong maka­tipid ng pondo ang PNP sa hakbang na ito dahilan sa mas malaki ang suweldo ng PO1 na umaabot na ng P 18,000 kada buwan kasama na ang mga benepisyo  habang sa security guard ay P10,000 -P12,000 lamang ang magagasta ng PNP.

Inihalimbawa ni Cerbo na maging sa truck ng basura na isang PO1 ang nagmamaneho ay maari na itong gawin ng sibilyan upang ang mga pulis ay sa mga trabaho na naayon sa mga ito tulad ng paghabol sa mga kriminal at gawaing administratibo ituon ang kanilang konsentras­yon.

 

Show comments