MANILA, Philippines - Habang papalapit ang kampanya sa local election ay patindi nang patindi ang pagpatay sa mga kumakandidato tulad ng naganap noong Linggo ng gabi na kung saan ay isang 59-anÂyos na lalaki na tumatakbo sa pagka-konsehal ng San Fernando City, La Union ang itinumba sa loob mismo ng kanilang bahay.
Ang biktima na idiÂneklarang dead on arrival sa Bethany Hospital ay nakilalang si Danilo Nisperos, residente ng Purok 7, Brgy. Bangcusay, San Fernando City.
Batay sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi habang naglalaro umano ng baraha ang biktima kasama ang kanyang pamilya sa loob ng kanilang bahay nang pasukin sila ng suspek at agad na pinagbabaril ang biktima.
Agad na tumakas ang suspek gamit ang isang motorsiklo sa direksyon ng Brgy. Biday diversion road, habang itinakbo ang biktima sa pinakamalapit na ospital ngunit hindi na ito umabot nang buhay.
Narekober ng mga nagÂrespondeng operatiba ng San Fernando City Police sa crime scene ang limang basyo ng bala ng hindi pa natukoy na kalibre ng armas.
Sa tala ng PNP, simula noong Enero 13 sa implementasyon ng gunban hanggang nitong Pebrero 17 ay umaabot na sa 11 katao ang naging biktima ng karahasang may kaugnayan sa pulitika.
Samantala, kabilang ang La Union sa 15 lugar sa Region 1 na nasa areas of immediate concern na ipinalabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG).