^

Police Metro

Kandidatong mayor nilikida ng tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng ri­ding-in-tandem suspek ang isang barangay chairman na tu­matakbong mayor habang ito ay nakatayo sa tapat ng bahay ng kapitbahay kahapon ng tanghali sa Brgy. Fortuna, Marcos, Ilocos Norte.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Alfredo Arce, Brgy. Chairman sa naturang lugar at mayoralty candidate ng nasabing bayan.

Nasugatan naman ang dalawang bystander na tinamaan ng ligaw na bala na kinilalang sina Apple Joy Joaquin, 21-anyos, da­laga at Karlajayan Agus­tin, 5-anyos na gina­gamot sa Sta. Teresita Hospital sa nasabing bayan.

Batay sa ulat, ala-1:30 ng hapon habang nakatayo si Arce sa harapan ng bahay ng pamilya Macatiag sa kanilang barangay ay biglang sumulpot ang riding-in-tandem at pagba­barilin ito.

Mabilis namang tuma­kas ang mga salarin patu­ngo sa hindi pa malamang destinasyon matapos ang insidente.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa pu­litika kaugnay ng midterm election sa Mayo ng taong ito ang krimen habang patuloy ang imbes­tigasyon sa kaso.

 

 

ALFREDO ARCE

APPLE JOY JOAQUIN

BATAY

BRGY

FORTUNA

ILOCOS NORTE

KARLAJAYAN AGUS

SHY

TERESITA HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with