MANILA, Philippines - Nauwi sa malagim na trahedya ang masaya sanang field trip ng isang eskwelahan matapos na masawi ang pitong katao na karamihan ay college student nang sumalpok ang kanilang sinasakÂyang tourist bus sa kasalubong na delivery truck sa national highway ng Tuba, Benguet kamakalawa ng gabi.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Diane Lauro, Mariel Mingi, Princess Ann Pastorside, Jenny Liza Lantorva, guro; Leopoldo Nana, Carlo Pintor at Melvin Molatino.
Ang mga nasugatan naman ay sina Roselyn Roldan, Joel Bengva, Milagrito Balistoy, Jose Bonife at iba pa na paÂwang nilalapatan na ng lunas sa Baguio General Hospital.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang malagim na sakuna sa kahabaan ng national highway sa Badiwan area, Tuba.
Lumalabas sa imbesÂtigasyon na ang mga biktima na kinabibilangan ng mga guro at estudÂyante ng Marinduque State College ay patungo sa kanilang field trip sa Baguio City lulan ng tourist bus ( AFB-769) nang mangyari ang sakuna.
Nabatid na nawalan umano ng preno ang tourist bus na sinasakyan ng mga biktima na sumalpok naman sa kasalubong na delivery truck (WPG-581) na tumatahak sa lugar.
Sa lakas ng pagkakabangga ay agad na binawian ng buhay ang mga biktima sanhi ng malulubhang sugat na tinamo sa kanilang mga katawan habang mabilis namang isinugod sa pagamutan ang mga nasugatan kabilang ang ilang lulan ng delivery truck.
Kinasuhan ng reckless imprudence resulting to multiple homicide and physical injuries ang dalawang driver ng nagbanggaang mga sasakyan.