^

Police Metro

Halalan sa lugar na sinalanta ni Pablo, posibleng hindi maisagawa

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng pamunuan ng Commission on Elections (COMELEC) na posibleng hindi maidaraos ang halalan sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Pablo noong nakaraang taon.

Sinabi COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr,  hindi pa nila matiyak kung maisagawa ang election sa mga naturang lugar  na ngayon ay patuloy pa nilang mino-monitor.

 Katuwang ng COMELEC  sa pagmo-monitor ang  Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD)  sa mga lubhang sinalanta ng bagyo  gaya ng Davao Oriental at Compostela Valley.

 Ayon kay Brillantes, sa Marso pa  maaaring ipalabas  ang resulta ng pag-aaral o  assessment na isinagawa ng mga tauhan ng COMELEC, DPWH at DSWD sa mga lugar na lubhang hinagupit ng bagyong Pablo.

Aniya, maraming paaralan ang nawasak ng nagdaang bagyo na hindi pa nagagamit hanggang sa kasalukuyan at ang iba naman ay nagsisilbi pang evacuation center ng mga residenteng inilikas sa lugar.

 Maging ang paghahatid o pagbibiyahe sa mga election paraphernalia ay pinoproblema rin ng COMELEC dahil maraming pang lugar ang hindi nadadaanan sa Davao Oriental at Compostela Valley.

 

ANIYA

AYON

BRILLANTES

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES JR

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO ORIENTAL

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with