Mag-utol pumalag sa snatcher na naka-motor, isa patay

MANILA, Philippines - Isang 22-anyos na lalaki na bagong graduate pa lamang sa kolehiyo ang nasawi habang ang  nakababatang kapatid  nito na freshman sa Systems Technology Institute (STI) ang nasa kritikal na kalagayan nang sila ay pagbabarilin ng riding in tandem na snatcher matapos silang pumalag kahapon ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Richard Dean Del Monte, ng no. 1347 M. Natividad St.  Sta.Cruz, Maynila dahil sa tama ng bala sa dibdib habang kapatid nito si Rycoft,16 ay nagtamo ng tama ng bala sa leeg.

Batay sa ulat, dakong alas-5:40 ng umaga ay naglalaro sa laptop computer si Richard habang si Rycoft naman ay PSP kasama ang mga ka­ibigan sa bangketa sa panulukan ng Oroquieta  at E. Remegio Sts.,  Sta. Cruz, Maynila, malapit sa bahay nila nang dumating ang mga suspek na lulan ng motorsiklo na huminto sa kanilang harapan. Dito ay sapilitang inagaw ng mga suspek ang kanilang laptop,  PSP at cell phone ng magkapatid.

Nanlaban si Richard at nakipag-agawan sa mga suspek, at nang tangkang tulungan  ni Rycoft ang kuya silang dalawa ay pinagbabaril ng mga suspek.

Nang kapwa tumumba ang magkapatid ay pinaharurot ng mga  suspek ang motorsiklo tangay ang mga gadget ng magkapatid.

Ang mga suspek ay kapwa  armado ng .45 kalibre ng baril, nakasuot ng bullcap, jacket na itim at short pants sakay ng  Yamaha Mio na walang plaka.

 

Show comments