MANILA, Philippines - Guilty sa kasong grave misconduct kaugnay ng umanoy naganap na iregularidad sa pagbili ng lokal na pamahalaan sa Balili Estate noong taong 2008 si Cebu Governor Gwendolyn Garcia at lima pang opisyal ng lalawigan na sina Juan Bolo, Board member ng Sangguniang Panlalawigan; Anthony Sususco; Roy Salubre; at Eulogio Pelayre, pawang miyembro ng Provincial Appraisal Committee at Emme Gingoyon, Provincial Budget Officer.
Batay sa 26 pahinang joint decision na nilagdaan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na may admiÂnistrative liability si Garcia at Bolo sa kanilang reelection sa nagdaang 2010 National and Local Elections habang si Sususco, Salubre, Pelayre at Gingoyon ay paparusahan ng pagsibak sa serbisyo bilang accessory penalties.
Ang kaso ay nag-ugat sa tatlong hiwalay na reklamo sa tanggapan ng Ombudsman ng Visayas Public Assistance and Corruption Prevention Office (PACPO-Visayas)Manuel Manuel at Crisologo Saavedra na may kinalaman sa hindi tamang pagbili ng Cebu Provincial Government sa nasabing lupain na kapapalooban ng 11 parcels ng lupa na may kabuuang 249,246 square meters na may halagang P99,698,400, na ang P98,926,800 ay agad na nabayaran.
Ang bayaran ay naisagawa sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) ni Garcia para sa lalawigan ng Province of Cebu hinggil sa pagbili ng naturang lupain na matatagpuan sa Tina-an, Naga, Cebu na may halagang P400 kada square meters.
Sinasabing nagkaroon ng iregularidad sa pagbili ng Balili Estate dahil noong panahong iyon ay walang pondo ang lalawigan ng Cebu para dito.
Sinasabing ang 50 percent ng total payment sa naturang lupa ay kinuha ng provincial government sa P50 milyon budget na laan sana sa implementasyon ng Site Development and Housing Program sa ilalim ng Social Services.
Ang 11 parcels umano ng naturang lupain na nabili ay may 196,696 square meters ng total area na 249,246 square meters dahil ang iba dito ay umabot sa dalampasigan kayat hindi ito maaaring magamit para sa site development o sa housing project man.
Sinasabing ang paggamit ng pondo para sa ibang bagay ay illegal.