Pulis na senglot naghasik ng takot, inaresto

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang baguhan at lasing na pulis na naghasik ng takot sa pamamagitan pagpapakita  ng kanyang baril sa dalawang tricyle driver kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Ang suspek ay kinila­lang si PO1 Carlo Martin Ramirez, 29,  nakatalaga sa Bulacan Provincial Safety Company, residente ng Jacinto St., Malolos, Bulacan at nahaharap sa paglabag sa election gun ban.

Batay sa ulat, dakong alas-12:10 ng madaling-araw nang rumesponde ang mga pulis sa Que Grande St., Brgy. Gen. T. De Leon dahil sa natanggap na tawag na isang lalaki ang nananakot sa pamamagitan ng kanyang baril sa mga biktimang sina Ernesto Pascual at Jimmy Pascual.

Inabutan ng mga pulis ang suspek na  sakay ng kotse na sinita at pinababa at nakumpiska dito ang isang .9mm na baril na nagpakilalang isang  pulis.

Nang hingan ang suspek ng kaukulang papeles sa pagdadala nito ng baril ay wala itong maipakita kaya’t inaresto ito at  si­nam­pahan ng nasabing kaso.

 

Show comments