Kawani hinarang tinodas

MANILA, Philippines - Isang empleyado ng mining company ang nasawi matapos itong harangin at pagbabarilin ng mga suspek na nakamotor sa kahabaan ng highway ng Brgy. San Andres, Bunawan, Agusan del Sur ka­makalawa ng hapon.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa katawan ay kinilalang si Edilmero Peñera, 32-anyos, empleyado ng PHILSAGA Mining Corporation na nakabase sa nasabing bayan.

Batay sa ulat, bandang alas-5:20 ng hapon ay minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang ito ay dikitan at pagbabarilin ng mga salarin na sakay naman ng isang Rusi single motorcycle sa nasabing lugar.

Nang duguang bu­mag­sak ang biktima sa tabi ng highway ay muli itong ni­lapitan ng mga suspek at pinaputukan upang tiyakin na hindi na ito mabubuhay pa.

Show comments