^

Police Metro

Lie detector test isasalang sa kaibigan ng pinatay na Tsinoy trader sa San Juan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipapatawag ng pulisya ang kaibigan ng napaslang na negosyanteng si Kelvin Tan, 34, upang mabatid kung may katotohanan ang mga naging pahayag nito na ang kanyang bodyguard ang huling nakausap ng una  bago ito pinagbabaril sa loob ng kanyang sasakyan noong Lunes ng umaga sa Ortigas Avenue at Madison Street sa Greenhills, San Juan City.

Sinabi ni Supt. Bernard Tambaon, hepe ng San Juan City Police, ipapatawag nila si Bernard Yu, kaibigan ng biktima dahil sa inutusan umano niya ang bodyguard na si Reggie Guadayo na ibigay kay Tan ang halagang P200,00 na umano’y hiniram niya dito na kung saan naganap ang pamamaril sa biktima.

Hindi rin umano batid ni Yu na nag-withdraw pa ng P800,000 si Tan sa China Bank bago siya pagbabarilin.
Iginiit ni Supt. Tambaon na kung totoo ang mga sinasabi ni Yu ay lumilitaw na may dalang P1-milyon pera ang negosyante bago pagbabarilin sa labas ng bangko.

Una na ring lumutang ang anggulo na posibleng ‘business rivalry’ at personal na galit ang motibo ng ginawang pagbaril at pagpatay kay Tan.

BERNARD TAMBAON

BERNARD YU

CHINA BANK

KELVIN TAN

MADISON STREET

ORTIGAS AVENUE

REGGIE GUADAYO

SAN JUAN CITY

SAN JUAN CITY POLICE

YU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with