MANILA, Philippines - Isang lalaki na “most wanted criminal†dahil sa kasong pagpatay sa liÂmang katao kabilang ang isang pulis ang nasawi nang makipagbarilan sa mga otoridad kamakalawa sa Pasay City.
Ang napatay na susÂpek ay nakilalang si Belo Tubat, alyas “Jr. Asin†na bumaril at nakapatay kay PO3 Joey Salazar at apat na iba pa may ilang taon na ang nakakalipas at hinihinala din na miÂyembro ng gun for hire at drug pusher ang suspek.
Batay sa ulat, bago naÂganap ang shootout daÂkong alas-11:00 ng gabi sa P. Celle St., ay nakaÂtangÂgap ng sumbong ang tanggapan ng Warrant SecÂtion ng Pasay City PoÂlice na ang akusado ay namaÂtaan sa nabanggit na lugar.
Nagresponde ang mga pulis upang ihain ang warrant of arrest, subalit nang mamataan ng suspek ang paparating na mga otoridad ay agad itong bumunot ng baril at pinaÂputukan ang mga pulis.
Gumanti ng putok ang mga pulis at tinaÂmaan si Tubat na dahiÂlan ng agaran nitong kamaÂtayan.