^

Police Metro

Gun Control Law suportado ng pangulo

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Suportado ng Pangulong Benigno Aquino III ang mahigpit na pagpapatupad ng gun control law kaysa sa panawagan na total gun ban.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacier­da, pinag-aaralan ni Pangu­long Aquino ang lahat ng pa­nukala pero mas nais muna nitong mahigpit na ipa­tupad ang gun control law.

Ilang sector at mambabatas ang nanawagan kay Pangulong Aquino para sa total gun ban tulad ni Sen. Loren Legarda pero para naman kay Sen. Tito Sotto ay mahigpit na pagpapatupad ng gun control ang kailangan matapos ang nangyaring pamamaril sa Kawit, Cavite at walang pakundangan na pagpapaputok ng baril ng ilang individual sa pagsalubong sa bagong taon.

Lantad naman sa publi­ko ang pagiging ‘gun lover’ ng Pangulo pero una ng sinabi ng Palasyo na huwag kaagad husgahan ang Pa­ngulo dahil naipakita nito sa maraming pagkakataon na mali ang iniisip ng kanyang kritiko.

May mga nagsasabi kasi na hindi susuportahan ng Pangulo ang total gun ban dahil sa isa itong ‘shooter’ at gun lover.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, maraming nagsasabi noon na hindi susuportahan ng Pangulo ang Sin Tax reform bill dahil smoker ito pero siner­tipikahan pa ni PNoy na urgent ang bill hanggang sa lagdaan niya noong nakaraang buwan at naging batas.

 

AYON

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

GUN

LOREN LEGARDA

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with