Meralco magbibigay ng refund

MANILA, Philippines - Magbibigay ng refund sa kanilang mga customer ang handog ng Manila Elec­tric Company (Meralco) ngayong Enero.

Inihayag ni Dina Lomotan, pinuno ng External Affairs ng Meralco, bukod sa refund ng aktwal na bill deposit na naibigay na noong isang taon ay maaari na ring i-refund ang interes nito ngayong buwan.

Aniya, padadalhan nila ng sulat ang mga kostu­mer nila hinggil sa refund ngayong buwan kasama ang interes.

Paraan umano ito ng Meralco upang mahika­yat ang kanilang mga kos­tumer na magbayad sa due date.

Gayunman, nilinaw ni Lo­motan na sakaling bigong makapagbayad o huli sa pagbayad ang isang cus­to­mer sa takdang due date nito ay muli siyang
si­singilin ng Meralco ng bill deposit.

Show comments