^

Police Metro

Mga Jalosjos bagong dynasty sa Mindanao

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kahit nabilanggo sa ka­song panggagahasa sa isang menor-de-edad si da­ting Congressman Romeo Jalosjos, ay lalong lumakas ang kontrol ng pamilya niya sa buong Zamboanga Peninsula kaya binansagan silang bagong Ampatuan dynasty  ng Mindanao dahil sa huling pagtatala, ay nasa 16 miyembro ng pamil­ya Jalosjos ang tatakbo sa Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte at Zam­boanga, Sibugay at kinuwestiyon ang Come­lec sa rehiyon kung paano nakalulusot ang kandidatura nila kahit hindi totoong residente sa mga lugar na tatakbuhan.

Mismong si Zamboanga del Sur Gov. Antonio Cerilles ang kumilala sa makakaribal niya sa Mayo 2013 na si Dapitan City Mayor Dominador Jalosjos. Sa 1st district ng lalawigan, kakasa si Kat-Kat Jalosjos sa kanyang misis na si reeleksiyonistang Rep. Aurora Cerilles.

Tatakbo rin ang kaal­yado ng mga Jolosjos  na si Pagadian City Mayor Samuel Co laban sa  reeleksiyonistang si  Rep. Victor Yu sa 2nd district ng Zamboanga del Sur. Nasangkot si Co sa kontrobersiyal na Aman Futures Group na nakaraket ng P12 bilyon sa Zamboanga Peninsula.
Isa pang kaalyado ng mga Jalosjos na si  Zamboanga del Norte Gov. Rolando Yebes ang lalaban sa 2nd district ng lalawigan laban sa reeleksiyonistang si Rep. Rosendo Labad-la­bad.

Sa Zamboanga del Norte gubernatorial post, kakasa ang asawa ni Dipolog City  Mayor Evelyn Uy na si  Roberto Uy laban kay  Cesar Jalosjos. Tatakbo rin sina  Rep. Bullet Jalosjos (first district) at Hannah Jalosjos (third district) sa lalawigan.

Makakaharap naman ni Mayor Uy sa Dipolog City si dating Rep. Cecilia Jalosjos Carreon at muli namang tatakbo si  Zamboanga Sibugay Gov. Rommel Jalosjos sa lalawigan.

 

AMAN FUTURES GROUP

ANTONIO CERILLES

AURORA CERILLES

BULLET JALOSJOS

CECILIA JALOSJOS CARREON

DIPOLOG CITY

JALOSJOS

ZAMBOANGA

ZAMBOANGA PENINSULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with