Pahinante, naipit ng forklift, tigok

MANILA, Philippines - Tigok ang isang pahinante makaraang maipit ng forklift sa loob ng compound ng TFO Trucking sa Balut Tondo, Maynila kahapon ng hapon.

Nakilala ang biktimang si Christopher Jacildo Y Pedroso, 37, binata ; tubong Bacolod City; helper at stay in sa TFO Trucking sa Compound ng 2165 E. Rodriguez St., Balut Tondo.

Batay sa report na isinumiti ni Det. Amelito Lopez kay P/Sr. Insp. Esmael dela Cruz, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, natuklasang patay ang biktima ng dakong 6:30 ng umaga sa loob ng compound. Nauna na umanong makipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa labas ng compound, at natapos umano ito ng bandang 4:00 ng hapon, nitong nakaraang sabado.

Show comments