Pacman nanatiling idolo ng mga Pinoy - AFP

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nananatili pa ring idolo ng milyun-milyong Pinoy si Manny “Pacman” Pacquiao sa  kabila ng pagbagsak at pagkatalo kay Mexican challenger Juan Manuel Marquez.

“Pacquiao did his best but Marquez turned out to be the better boxer. Despite this surprising outcome, Manny Pacquiao is still an icon of perseverance, excellence, and dedication not only to the soldiers of the Armed Forces of the Philippines but to millions of Filipinos who look up to him,” sabi ni AFP spokesperson Col. Arnulfo M. Burgos, Jr.

Ayon kay Burgos, ang buong hanay ng AFP ay patuloy na sumusuporta kay Pacquiao kahit nangyari ang hindi inaasahang pagkatalo laban kay Marquez.

“We wish him the best in his future undertakings in the service of the Filipino people,” sabi pa ni Burgos.

Samantala, nalungkot ang hanay ng Quezon City Police District Office sa naging pagkatalo ni Pacman.

Ayon kay Director Chief Supt. Mario Dela Vega, bagama’t natalo si Pacman, instrumento pa rin ang kanyang ginawa sa larangan ng boxing para makilala ang ating bansa.

 

Show comments