Death toll sa ‘Pablo’ patuloy ang paglobo
MANILA, Philippines - Patuloy ang paglobo ng mga nasasawi sa paghagupit ng bagyong Pablo sa lalawigan ng Compostela Valley at Davao Oriental at isa sa mga dahilan ay ang talamak na illegal logging at mining.
Ito ang inihayag ni National Disaster Risk and Reduction Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos dahil sa kalbo na ang mga kagubatan na nagbunsod ng landslide at dahilan sa pagkaputol ng mga puno ay walang ‘catch basin’ na siyang pagpa-grabe sa landslide.
Sa Davao Oriental ay umaabot na sa 128 ang narekober na bangkay at sa Compostela Valley naman ay 214 o kabuuang 342 bangkay.
Sa nasabing bilang ng mga nasawi ay pinakamalaki ang naitala sa bayan ng New Bataan, Compostela Valley na umaabot na sa 94 katao kabilang ang nasa anim ng sundalong patay habang anim pang sundalo ang nawawala at 17 ang nasugatan na pawang miyembro ng Army’s 66th Infantry Battalion.
Aabot naman sa 48,893 pamilya o kabuuang 231,630 katao ang naapektuhan ng bagyo na nakaapekto sa may 513 barangay sa 148 bayan at 29 munisipalidad sa Regions IV-B, VI, VII, VIII, X, XI at Caraga.
- Latest