Gangnam style na paputok

MANILA, Philippines - Isang bagong high po­wered na paputok na papangalanang “Gangnam Style” ang nakatakdang gawin ng mga may-ari ng illegal na pagawaan ng pa­putok.

Ito ang sinabi ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag matapos na ma­karating sa kanilang impormasyon ukol sa nasa­bing paggawa ng bagong paputok na ipapangalan sa sikat na pop song  na “Gangnam style” kaya’t tatapatan umano o uunahan nila ito sa paglalabas naman ng Gangnam Pasko dance na eengganyo sa mga bata at publiko.

Iginiit rin naman ni Tayag na patuloy pa ring ikinakampaniya ng DOH ang paggamit ng pinakaligtas na paputok sa buong mundo o ang ‘Goodbye Paputok.’

 

Show comments