Asst. manager bigo sa promotion, nagbaril

MANILA, Philippines - Matapos umanong hindi ma­kuha ang mas mataas na po­sisyon sa pinapasukang call center ay nagbaril ang isang 37-anyos na assistant manager sa loob ng kanyang bahay sa San Andres, Maynila kahapon ng hapon.

Patay na nang madiskubre sa loob ng kaniyang silid sa no. 2245 Albastro St., ang biktimang kinilalang si Jose Martin, dahil sa tama ng bala ng kalibre 22 sa sentido.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon nang madiskubre ng kanyang nakatatandang  kapatid na si Bernadeth ang bangaky ng biktima sa kanyang silid.

Sinabi naman ng ama ng biktima na si Antonio Martin, walang napuna o senyales sa bik­tima na may plano itong mag­pakamatay dahil huli itong nakitang buhay dakong alas 12:00 ng tanghali na naninigarilyo sa veranda ng kanilang bahay.

Nabatid na nabigo umano ang biktima na masungkit ang mas mataas na posisyon na inaplayan nito sa kaniyang pinapasukang call canter na hinihinalang dahilan para tapusin ang kanyang buhay.

Show comments