MANILA, Philippines - Nagpaalala si CBCP Episcopal Commission on Youth Executive Secretary Fr. Kunegundo Garganta sa mga kabataan ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan na huwag gawing “simbarkadas” ang nalalapit na pagsasagawa ng Simbang gabi.
Dapat anya isapuso ng mga kabataan ang kahalagahan ng ebanghelisasyon para sa paghahanda sa tradisyunal na Simbang gabi.
Inihayag ng pari na mahalagang isapuso ng mga kabataan na ang panahon ng Simbang gabi na magsisimula sa ika-16 ng Disyembre ay panahon ng pananahimik at pagninilay para sa kaarawan at pagkatawang tao ni Hesukristo na ipinanganak sa sabsaban.